Change. Yup change is the only constant thing on earth. And this has been proven so many times over and over again lalo na sa buhay pag-ibig.
"Please sagutin mo ang tanong ko?" mga salitang lumabas sa aking bibig na may matigas na tono, nangangarang na boses at medyo nanginginig na kamay habang kausap ko ang mahal ko. Tumingin ang asawa ko sa akin, ang mga mata niya ang nangungusap, kita mo sa mukha niya ang pagkaasiwa at pagkailang. Sa aming pagkakaupo hinawakan ko ang kanyang kamay ng mahigpit and muling siyang tinatanong mata sa mata, "Please magsabi ka ng totoo. I beg you!". "May namamagitan ba sa inyo ni Voldermort? (sorry! fan talaga ako ng Harry Potter, and voldermort is the name who must not be name kaya ganyan code name ko). Lagpas na sa normal ang aking heartbeat na feeling ko sasabog na lang siya bigla, pero tumingin pa din ako sa kanyang mga mata. Lalong humigpit ang aking nanlalamig na kamay sa paghawak sa kanya. Alam ko na ang sagot, pero gusto ko pa din marining mula sa kanya. Huminga ng malalim ang mahal ko. And that time ang daming nglalaro sa akin utak. Ng wiwish na ang sagot niya ay opposite sa ineexpect ko na sana ala. Pakiramdam ko slow-mo ang oras na bawat segundo ay katumbas ng isang minuto. Pumikit muna ang mahal ko tapos tumitig ulit sa akin mga mata, at sumagot siya ng katagang "OO".
Isang salita pero sa oras na yun yung salitang yun at napaka halaga na naging sanhi ng pagguho nang isang relasyong dating puno puno ng pagmamahalan. Sinong makakapagsabing it will "change" that instantly.
Right there and then natapos ang aming pagmamahalan, sumama siya kay "the guy who must not be name" and pinilit kong bumalik sa dating buhay. Yung buhay na wala pa siya. Sa buhay dapat tangapin natin na ang pagbabago ay parte nito. At sa pgbabago dapat sumasabay tayo, ika nga nila dance dance dance sa tugtog ng buhay.
Pero bakit ba naging ganito ang aming relasyon. Kung tutuusin ibang iba pa ang takbo ng buhay namin limang buwan ang nakakalipas.
No comments:
Post a Comment