After the movie we headed to Mall of Asia to eat, si "My Indie Love" pumili ng resto dun kami sa may Giligans. We waited around 10 minutes to be seated, and the entire time ni grab ko na opportunity to continue yung nabiting Q&A portion. Ang problema sa bawat tanong ko si mahal ko na ang sumasagot kaya yun sira ang diskarte ko (asar....feeling ko jeleng na mahal ko hehehe). While eating napansin namin ang groupo ng mga machong lalaki sa kabilang table na nakatingin sa amin. Si mahal ko unang nakapansin at tinuro lang sa amin. (For sure meron crush si mahal ko sa kabilang table..pasimple pa). Si My Indie Love naman sabay bola, tropang _____ lupet mo talaga pati mga macho nababading sa you, napasigaw ako bigla "gagu ka!". Sabay tawanan kami bigla. Sinilip ko ang kabilang table, I must say 2 sa kanila (5 sila lahat) may potential ang problem lang masyado silang marsh mallows. While eating nakatingin lang ako kay "My Indie Love" ganda kasi pwesto namin, magkatabi kami ng mahal ko while katapat ko siya kaya ang ganda talaga ng view ko.
Pagkakain, namasyal pa kami around San Miguel by the bay while kulitan and kwentuhan. Super mabait at ang gaan kasama ni "My Indie Love", at kahit bago pa lang kaming ngkakilala feeling ko tagal na namin mgkaibigan kaya hinayaan ko siya umalakbay sa akin (kilig na kilig ako habang nglalakad kulang na lang mawewe me sa kilig). Medyo bad talaga ako kasi inamoy amoy ko si "My Indie Love" and I must say super bango talaga niya..... ng water water tuloy ako bigla. Pero sa sobrang bilis ng oras pass 12 na agad kaya we decided to head back home. Isinakay namin si "My Indie Love" ng taxi bago kami umuwi (Pque kasi bahay nia kami naman back to QC). Bago umalis ang taxi niyang sinasakyan sumigaw siya ng ingat kayo, tapos tinawag niya name ko at ngsabing kunin mo na lang number ko kay _________ (name ng "mahal ko").
While at the taxi pauwi ng QC, todo sweet ng mahal ko mega over holding hands at sandal sa akin. Ako naman malalim ang iniisip, umiisip ng diskarte pano makukuha number ni "My Indie Love" sa phonebook ng mahal ko hehehehe joke lang. Super naguluhan ako dun but I realize one thing. Infatuation is different with love, at mas pipiliin ko ang taong ngpapatibok ng puso ko - si Mahal ko yun. That was the first and last time I saw "My Indie Love", ngfocus ako sa mahal ko and enjoy the life being in a relationship.
Until after 5 months, magtatagpo pala ulit ang aming landas at mag ...................... ( wag excited abangan ang susunod sa kabanata!)
mukhang inspired ka talaga magsulat ngayon ah. hehehe
ReplyDeleteyes i am..... para di me mabored dito :)
ReplyDelete