During my college years nauso ang social networking sites, dahil indi ako papahuli sign-up agad ako. Indi ito friendster nor facebook, ngsign-up ako sa PlanetRomeo - The number 1 gay social networking site in the Philippines (at talagang nagadvertise pa talaga ako hehehe). At sa site na ito ko nakilala yung taong nagitroduce sa akin sa blog world. Because of his mysterious character and personality I try to get to know him more via his blog. Kahit hindi ako mahilig magbasa nagenjoy ako basahin yung blog niya, eh pano ba naman rated X ata yun at puro kalibugan which I super like.
Syempre ingetero ako at feeling ko yun ung uso,parang gusto ko din magcreate ng sarili kung blog. Pero dahil kulang ang time ko sa mga extra curricular activities never siyang nagmaterialize. Sino ba naman ang gustong unahin ang blog keysa lovelife, for sure di ako yun. Until pinatapon ako ng company ko sa malayong lugar malayo sa aking bayang sinilagan ng medyo may katagalan. Dito ko naisip na totohanin na ang paggawa ng sarili kung blog, beneficial din cia kasi nalilibang na ko tipid pa kasi nababawasan pag pasyal pasyal ko at shopping ng ala sa plano.
Kaya iyun. Magiging pampalipas oras ko ang blogging sa ngayon dahil may marami akong oras na iwawaldas. kesa naman na mag-emo ako lagi dito. Kaso di ako siguradado na maituloy-tuloy ito once na ibalik na ako sa aking lupang tinubuan. pero malay ko rin. baka ma-ienjoy ko ito at tuloy tuloy na ang aking pagsusulat. pero sana magkaroon ako ng interes sa pagsusulat kasi para maihasa ko din ang sarili ko sa isang bagay na di ko binigyan pansin noong nag-aaral pa ako. hehehe
No comments:
Post a Comment