Showing posts with label indie. Show all posts
Showing posts with label indie. Show all posts

Friday, April 8, 2011

"My Indie Love" - Part 2

"Waaaaaaaaag.... Tama na" sigaw ni Mercedes Cabral sa pinapanood naming pelikula, dahil dito nagulat ako at nawala ang pgkakatitig kay "My Indie Love". Pagtingin ko ulit sa kanya super tawa siya, ayun nagtawanan kami bigla (yung tawa ko pacute syempre bawal ang nakanganga). Dahil napalakas ata tawanan namin naget namin attention ng mahal ko and he ask. Anong nakakatawa? sumagot naman bigla si "My Indie Love" matatakutin pala tong tropa natin.(tropa ka dyan, for sure love mo na ako...hehehe) Balik ulit sa pinapanood ang mahal ko, seryoso siya masyado kasi kilala kasi niya yung artista. Sumagot naman ako kay "My Indie Love" sabi ko hindi ako matatakutin nagulat lang talaga ako. Sabay sabi niya "Ok lang yan tropa" with matching hawak sa aking balikat. Kinilig ako ng todo todo kulang na lang hawakan ko kamay niya at ipulupot sa aking katawan. Pero dahil pamacho effect tinaggal ko kamay niya at sinabi kong sira ulo magwatch ka na nga lang. (Kunwari lang yun maria clara effect lang) Sa buong pelikula panay ang silip ko kay "My Indie Love" at pag nakikita kong tumitingin siya balik agad tingin ko sa wide screen. (paulit ulit lang... landi!) Hay bakit ganun habang tumatagal lalo siyang na-gwapo! Super bad ko talaga may mahal ko na ko pero eto ako kung ano anong iniisip sa kaibigan niya.

After the movie we headed to Mall of Asia to eat, si "My Indie Love" pumili ng resto dun kami sa may Giligans. We waited around 10 minutes to be seated, and the entire time ni grab ko na opportunity to continue yung nabiting Q&A portion. Ang problema sa bawat tanong ko si mahal ko na ang sumasagot kaya yun sira ang diskarte ko (asar....feeling ko jeleng na mahal ko hehehe). While eating napansin namin ang groupo ng mga machong lalaki sa kabilang table na nakatingin sa amin. Si mahal ko unang nakapansin at tinuro lang sa amin. (For sure meron crush si mahal ko sa kabilang table..pasimple pa). Si My Indie Love naman sabay bola, tropang _____ lupet mo talaga pati mga macho nababading sa you, napasigaw ako bigla "gagu ka!". Sabay tawanan kami bigla. Sinilip ko ang kabilang table, I must say 2 sa kanila (5 sila lahat) may potential ang problem lang masyado silang marsh mallows. While eating nakatingin lang ako kay "My Indie Love" ganda kasi pwesto namin, magkatabi kami ng mahal ko while katapat ko siya kaya ang ganda talaga ng view ko. 

Pagkakain, namasyal pa kami around San Miguel by the bay while kulitan and kwentuhan. Super mabait at ang gaan kasama ni "My Indie Love", at kahit bago pa lang kaming ngkakilala feeling ko tagal na namin mgkaibigan kaya hinayaan ko siya umalakbay sa akin (kilig na kilig ako habang nglalakad kulang na lang mawewe me sa kilig). Medyo bad talaga ako kasi inamoy amoy ko si "My Indie Love" and I must say super bango talaga niya..... ng water water tuloy ako bigla. Pero sa sobrang bilis ng oras pass 12 na agad kaya we decided to head back home. Isinakay namin si "My Indie Love" ng taxi bago kami umuwi  (Pque kasi bahay nia kami naman back to QC).  Bago umalis ang taxi niyang sinasakyan sumigaw siya ng ingat kayo, tapos tinawag niya name ko at ngsabing kunin mo na lang number ko kay _________ (name ng "mahal ko").

While at the taxi pauwi ng QC, todo sweet ng mahal ko mega over holding hands at sandal sa akin. Ako naman malalim ang iniisip, umiisip ng diskarte pano makukuha number ni "My Indie Love" sa phonebook ng mahal ko hehehehe joke lang. Super naguluhan ako dun but I realize one thing. Infatuation is different with love, at mas pipiliin ko ang taong ngpapatibok ng puso ko - si Mahal ko yun. That was the first and last time I saw "My Indie Love", ngfocus ako sa mahal ko and enjoy the life being in a relationship.

Until after 5 months, magtatagpo pala ulit ang aming landas at mag ...................... ( wag excited abangan ang susunod sa kabanata!)

Tuesday, April 5, 2011

"My Indie Love" - Part 1

July 9, 2010 sa  Tanghalang Nicador Abelardo (CCP Main Theater) bandang ala sais ng hapon ng una kong makita in person ang aking "My Indie Love". At dito nagsimula ang aming pakikipagsapalaran sa buhay pagkakaibigan at pagibig.

Ala me pasok that time kaya asa bahay lang ako at ang partner ko, ngcelebrate kasi kami ng first weeksary the night before. (Yup, pati weeksary nicelebrate namin san ka pa?). Late na kami nagising nun alam nio na kasi may WWE nung kinagabihan. TGIF so ng plan kami lumabas nun kaya ng propose ako na mgwatch na lang ng movie then dinner after. Habang naliligo ako (sorry pero di kami pwede mgsabay kasi may ibang tao) sumigaw ang partner ko. Tinawag niya ako (first name basis pag asa bahay pero "Mahal ko" talaga tawagan namin..kasweeeet). Punta na lang tayo Cinemalaya! Nag aya kasi tropa ko. Ang sagot ko naman sinong tropa? Habang nalabas ako ng banyo todo explain siya kung sino si "My Indie Love".(Nakasama nya sa workshop si "My Indie Love" few months ago and they still keep in touch).  Then bumulong ako sa kanya at ngtanong ng "Hot ba siya?", sumagot siya ng "Hay! malandi ka talaga!" sabay batok sa akin. Binigay ko tuwalya then siya naman naligo.

Out of curiosity nicheck ko FB ni "My Indie Love", Napalunok ako bigla sabay sabi ng "Hot nga!". Eh kasi naman primary pic nakahubad (Uso ata that time hubadan sa fb). Private profile nia so ala me makitang ibang pic kaya ni add ko na lang siya. (Indi po ako malandi just curious lang sino ang friend ng partner ko... alang malisya promise! indi ako ng water water.. hehehe). Nakabihis na ako nang matapos partner ko. Syempre dahil ulirang asawa ako I already prepare  ung damit na isusuot nia. Syempre tinulungan ko mgbihis asawa ko, inayos kohelyo, tinanggal gabok (dirt or dust) sa damit nia mga pa sweet effect. Nung papaalis na kami pinagsabihan ako ng mahal ko. Sabi nia behave ka ok! kasi straight yung kaibigan ko indi nia alam na tayo. Ako naman sagot ng "Sir yes sir!", toink yan nabatukan na naman ako napagsabihan pa ng "Umayos ka!".

QC pa ko nakatira so the fastest way para makapunta sa Manila ay mgtaxi na lang. Pgkalabas namin ng subdivision sakto may taxi so sakay agad kami. Nung papaalis na taxi napatingin ako sa asawa ko, nakatingin sa kung saan so sinundan ko ng tingin. Patay patay tayo dyan, ang hot nung nakamotor malandi din pala asawa ko. Binatukan ko cia sabay sabing "Ang mata!", yun nakaganti din ako wahehe. Mahaba ang byahe kaya kulitan lang kmi sa taxi while holding hands (ganun ata talaga pg new pa lang ang love.... ginuguyam (guyam = ants).

Pagdating namin sa CCP ala na ung friend nia, pumasok na daw sa loob kasi naman 30 minutes ata kaming late. Lalo tuloy akong naexcite makita in person si "My Indie Love". Pagpasok namin ang dami ng tao, may mga known directors kaming nakasalubong kaso di namin alam yung name basta mukhang familiar. Todo text na ang asawa ko kung san nakapwesto si "My Indie love". Sa taas kami nakapwesto nung tumawag siya, kausap ng asawa ko then sumilip kami sa baba there he is. Pero hindi ko maaninag itsura niya medyo malayo kasi, pero yung postura pa lang niya kita mo na braod ung shoulder at mas malaki body sa partner ko. Mukha siyang maputi pero baka dahil sa ilaw lang or sa damit niya kasi yellow. Nagaya si mahal ko bumaba sabi ko later na lang after the show kasi mas maganda yung view namin.(When i say view daming hot guys! for sure mga baguhang actors or new indie actors mga to! ngwawater water na naman ako.) Hindi po ako bad, love ko naman partner ko I just admire other people lalo na ang mga hunks (with s talaga madami sila eh) hehehehe.

After the presentation nag-aya ng bumaba mahal ko, (hay bakit ang bilis yan tuloy pauwi na din mga hotties na ito!) nakita kong tumayo na sa pwesto niya si "my Indie Love". Nung nasa baba na kami may tinuro siya dun daw kami dumaan so i just follow my mahal ko. Dahil kung saan saan ako nakatingin ayun natalapir pa ako (muntik nang madapa). Papalapit ng papalapit ako kay "My Indie Love" until dalawang dangkal na lang ang layo namin sa isa't isa.

Maganda mga mata niya may pagkachinito, makinis ang mukha, ang tangos ng ilong niya (feeling ko nga retokado), semi long brown hair siya. Branded ang yellow na shirt niya pati ung pants niya, at sure ako na Zara ung shoes niya, sa tindig niya mukhang siyang konyo kasi my black jacket pa. Masasabi kong I like his style, biglang tingin sa itsura ko. (nagmukha naman akong alalay bigla hehehe). Sa fitted na shirt niya halata mo may hubog katawan nya (yummy.... ). 5 seconds lang yun at na-scan ko na agad siya kulang na lang ano brand ng brief niya (gusto ko yun!). Todo usap siya at ang asawa ko then "My Indie Love" nagsabi na pakilala mo naman ako sa kaibigan mo. (Buti pa siya naalala ako yung asawa ko kinalimutan na ako siya tlga ang aking "My indie Love"). Mabilis ang pangyayari sa dami ng tao hindi na kmi maka-exit, sumunod lang kami sa daloy ng mga tao yun pala papasok na sa main theater kasi first screening ng "Ganap na Babae". Medyo naiwan ako sa likod good thing nakita ako ng asawa ko so hinawakan nia kamay ko (pasweet sweetan feeling ko nakahalata siya na crushness ko si "My Indie Love").

Pag pasok namin sa unahan kami pumuwesto syempre sama sama kami. Yung asawa ko pumuwesto sa may pacenter syempre ako tumabi sa kanya. Si "My Indie Love" tumabi sa akin, type niya cguro ako hehehe. Ala na kasi seat sa tabi ng asawa ko kaya no choice siya (nawewe tuloy me sa kilig). Bago mg start ung movie ng Q&A portion muna kami ni "My Indie Love", good thing ng practice kami ni mahal ko so synchronize  mga sagot namin.( Tama talaga ung saying na practice makes perfect!). Gusto ko pa mag Q&A pero ng start na movie so focus muna kami sa movie. Habang palabas ang ganap na babae feeling ko ganap na lalaki na ko kasi pinapagitnaan ako ng asawa ko at ni "My Indie Love". Haba ng hair ko abot hanggang north pole.

Madilim sa loob (syempre sinehan nga eh ano ba?), kaya pasimple ako natingin kay "My Indie Love" at sa asawa ko. Compare and contrast tawag sa ginagawa ko so far equal sila isa na lang ang dapat I check kaso censored na yun PG 13 lang tong blog ko wahehehe.

Until habang nakatitig ako kay "My Indie Love" napatingin din siya sa akin. Di ko alam gagawin ko, sa tagal mg processing ng brain ko di ko alam todo titig lang pala ako sa kanya. Tumitig din siya di man lang ng blink mga mata namin, tapos bigla siyang................................... ng smile :)

 Ayun nglakad na ang brief ko pauwi ng QC...... :)


to be continue.....